Live Chat

Frame 1000002078 (1).png

Inanunsyo ng Markets.com, isang online trading platform, ang nakaka-excite na pakikipag-partner nito sa TradingView para mapahusay ang trading experience ng client nito. Dahil sa collaboration na ito, magagawa ng mga user na direktang makipag-trade mula sa charting at trading platform ng TradingView gamit ang kanilang mga account sa Markets.com, na nagbibigay sa kanila ng access sa mga advanced na charting tool at mahahalagang insight mula sa pandaigdigang komunidad ng trading.

Ipinahayag ni Stavros Anastasiou, CEO of Markets.com, ang kaniyang excitement sa integration na ito na binibigyang-diin na 'Hindi lang nito mapapaganda ang trading experiencekundi papaigtingin din nito ang aming commitment na makapagbigay ng ligtas at kontroladong environment para sa mga trader. Gamit ang pinagsamang makabagong platform ng Trading View at mga mapagkakatiwalaang serbisyo ng Markets.com, makakapag-trade na ngayon ang mga client nang may kumpiyansa at efficiency."

Tungkol sa Markets.com

Itinatag noong 2008, ang Markets.com ay isang online trading platform na mayh mahigit 4.7 milyong user sa buong mundo. Kilala dahil sa mga user interface, ligtas na trading environment, at top-notch na customer service nito, hangarin ng Markets.com na magbigay ng isang transparent na trading experience. Ang kanilang dedikasyon sa kahusayaan ay makikita sa kanilang 'Excellent' na Trustpilot rating at sa kanilang commitment na magbigay ng mga trading solution sa mga trader.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa bagong collaboration na ito, tingnan ang Markets.com sa TradingView. Manatiling may-alam tungkol sa Markets.com sa TradingView para sa mga trading tip, market analysis, at marami pang iba.

Tungkol sa TradingView

Ang TradingView ay isang charting at trading platform na kilala sa buong mundo at ginagamit ng mahigit 60 milyong user at kilala rin sa masiglang investiment community nito. Lalo pang pinalakas ng mga pinakabagong visual technology sa browser, desktop, at mga mobile app nito, Isang natatanging space ang TradingView kung saan puwedeng mag-chart, makipag-chat, at makipag-trade ang mga retail investor sa iisang lugar. Higit pa sa pambihirang user experience, nagbibigay rin ang TradingView ng mga solusyon para sa mga negosyo, kasama na ang advertising, mga news partnership, mga market widget, mga charting library, at mga broker integration.

Related Media Mga artikulo

Linggo, 3 Nobyembre 2024

Indices

Markets.com 2.0 - Bagong Paraan ng Online Trading

Lunes, 7 Oktubre 2024

Indices

Kinilala ang Markets.com bilang Top Forex Trading Broker sa Africa ngayong 2024

Lunes, 30 Setyembre 2024

Indices

Kinilala ang Markets.com bilang Nangungunang CFD Broker sa Africa

Lunes, 23 Setyembre 2024

Indices

Nakuha ng Markets.com ang Mga Top Experience Award sa LATAM

Live Chat